dzme1530.ph

Political Cha-Cha, isusulong sa Senado

Kinumpirma ni Sen. Robin Padilla na matapos ayawan ng mga mambabatas ang kanyang panukala para sa pagbabago ng economic provisions sa konstitusyon ay isusulong naman niya ang Political cha-Cha.

Sinabi ni Padilla na kasama sa kanyang isusulong sa Senado ang term extension para sa Pangulo at sa iba pang lokal na opisyal.

Nais ni Padilla na mula sa anim na taon na termino para sa Presidente ay gagawin itong apat na taon at papayagan ang isang re-election.

Ipinaliwanag ng senador na kapag mahusay ang isang Pangulo ay mabilis at kulang ang kasalukuyang anim na taon na panunungkulan pero sa isang hindi magaling na Presidente ay napakatagal na pagtitiis ito para sa taumbayan.

Ang kagandahan aniya na gawing apat na taon at isang re-election para sa Presidente ay sapat na para maipagpatuloy ang mga magagandang proyekto.

Inihalimbawa ni Padilla ang mahabang termino noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan sa panahon niya naging malakas ang ekonomiya ng bansa dahil nagkaroon ng ‘continuity’ sa implementasyon ng mga programa at proyekto. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author