Maglulunsad ng sariling istasyon ng pagbabalita ang Philippine National Police para kontrahin ang mga fake news.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang Police News Network ay bahagi ng Malasakit, Kaayusan, Kapayaan equals Kaunlaran (MKK=K) Program.
Sa pamamagitan nito, maihahatid aniya ng PNP sa publiko ang tama at napapanahong balita tungkol sa iba’t ibang aktibidad ng kapulisan.
Ang mga impormasyong ito ay ilalabas sa Youtube at Facebook upang madaling ma-access ng publiko.
Layon ng Police News Network na maihatid mula mismo sa PNP ang mga serbisyong publiko kontra fake news na nagbibigay ng masamang imahe sa mga pulis.