dzme1530.ph

Pokwang, K Brosas muli na namang na-scam

Muli na namang na-scam ang mga komendyanteng sina Pokwang at K Brosas.

Pero sa puntong ito, mismong prodyuser ng kanilang “BFF Live” concert ang nanloko sa kanila.

Sa official statement na inilabas ng LX2 Entertainment, inanunsyo nito na hindi na matutuloy ang nakatakda sanang concert ng dalawang comedienne-singer dahil sa atraso ng producer nito na si Vince Gesmundo.

Paliwanag ni Loie Mogan, CEO ng LX2 Entertainment, una nang nagkaroon ng problema sa payment ang producer sa Chicago leg pa lamang ng concert kung saan hindi nito binayaran ang 13,000 dollars na fee.

Inabonohan na lamang umano nila ng $6,000 para lang matuloy dahil nangako naman umano ang producer na isusunod niya ang payment.

Ngunit nang nagtatransaksyon na sila para sa Las Vegas leg ng concert, marami na daw dahilan si Gesmundo at palagi na lamang nagpapa-extend ng deadline.

Gayunman ani Mogan, nanghihingi sila ng paumanhin sa mga umasa sa “The BFF Live” concert nina Pokwang at K Brosas.

Sayang nga raw at marami pa namang Pinoy ang bumili ng tiket at ang iba pa ay may dalang regalo para sa dalawa.

About The Author