Wala pang natatanggap na formal communication ang PNP mula kay Negros Oriental Cong. Arnie Teves para sa kanyang seguridad sa pagbabalik ng Pilipinas.
Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na nakikipag-uganayan sila sa House of Representatives at iba pang mga ahensya para plantsahin ang ilalatag na security para kay Teves at sa pamilya nito.
Tumanggi naman si Fajardo na sabihin kung nasaan ang kongresista, makaraang lumabas ang impormasyon na nasa Cambodia ito at wala na sa Amerika.
March 15 nang sumulat si Teves kay House Speaker Martin Romualdez upang humirit ng dalawang buwan na Leave of Absence sa Kamara simula March 9 dahil sa banta umano sa kanyang buhay.