dzme1530.ph

PNP tikom sa ulat ng arrest warrants ng ICC sa mag-amang Rodrigo, Sara Duterte

Hindi pa magbibigay ng reaksiyon o komento ang Philippine National Police hinggil sa ulat na maglalabas ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrants para sa mag-amang Rodrigo at Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni PNP PIO Chief Col. Jean Fajardo, dahil premature pa sa ngayon o masyado pa aniyang maaga para magbigay ng pahayag gayung hindi naman official information ang kanilang natanggap.

Una nang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na i-re-release ng by-batch ang warrant na inaasahang mangyayari sa Hunyo o Hulyo.

Dagdag pa ni Fajardo, mayroon namang korte na maaaring duminig sa kaso ng pang-aabuso ng mga pulis na bahagi ng war on drugs.

Matatandaang, nanindigan si Pang. Ferdinand Marcos Jr.  na hindi kinikilala ng Pilipinas ang jurisdiction ng ICC kaya’t hindi nito isusuko ang dating pangulo

About The Author