Nanawagan ang Philipine National Police (PNP) sa mga magulang na bantayan ang mga kabataan sa paliligo at paglalaro sa mga swimmingpool at karagatan ngayon panahon ng tag-init.
Sinabi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sa isang panayam, na karamihan sa mga nalulunod ay mga musmos na bata na hindi nabigyan ng sapat na atensiyon ng mga bantay nitong masayang nakikipag-inuman.
Iminungkahi pa ni Azurin, na wag na munang uminom ng alak at makipaglaro nalang sa mga bata para mabuhay ang bonding time sa isat-isa, bilang isang pamilya.
Matatadaang, nakapagtala ang PNP, nang 66 na nasawi nitong nagdaang semana santa, 62 dito ay namatay sa pagkalunod habang 4 ang namatay sa vehicular accident. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News