dzme1530.ph

PNP, naka-alerto na para sa nalalapit na BSKE at Undas

Naka-heightened alert status na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP deputy chief for operations Police Lieutenant Gen. Michael John Dubria, hindi na nila ito ibababa hanggang sa pagsapit ng Undas, kung saan magiging abala ang publiko sa pagdalaw sa mga sementeryo at pagbiyahe sa long weekend.

Samantala, umabot na sa mahigit 250, 000 checkpoint operations ang naikasa ng pulisya nang magsimula ang election period noong August 28.

Nakakumpiska na rin ang ahensya ng 1,103 na baril habang nasa 1,479 na indibidwal ang nahuli dahil sa paglabag sa gun ban. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author