dzme1530.ph

PNP, naghahanda na para sa FIBA World Cup 2023

Naghahanda na ang PNP para sa nalalapit na International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa bansa sa Agosto hanggang sa Setyembre ngayong taon.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa kanilang partner agencies para sa matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong international event.

Tinukoy ni Acorda ang kaparehong security measures na ipinatupad noong 2015 APEC Summit, 2015 Papel Visit, 2017 ASEAN Summit, at 2020 Miss Universe pageant.

Inihayag ng PNP Chief na inorganisa ang Security Task Force (STF) FBWC 2023 bilang primary body na in-charge sa security operations at public-related safety services sa panahong ginaganap sa bansa ang World Cup.

Binigyang diin ni Acorda na ang misyon ng PNP ay makamit ang “zero incident” sa FIBA event. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author