dzme1530.ph

PNP-IAS, hiniling na suspendihin rin ang ipa pang pulis na sangkot sa Jemboy Baltazar’s slay case

Ipinasususpinde rin ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang iba pang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar ng Navotas City.

Ayon kay PNP-IAS inspector general, Atty. Alfegar Triambulo, hindi kasi nai-preserve ng naturang mga pulis ang crime scene gayundin ang magsagawa ng ballistic at paraffin test sa mga suspect sa pamamaril.

Inirekomenda rin aniya nila sa NCRPO na tuluyan nang sibakin ang walo pang pulis na namaril sa binatilyo.

Partikular na sina P/CPT. Mark Joseph Carpio; P/CPT. Luisito Dela Cruz; P/EMS Roberto Balais JR; P/SSG Antonio Bugayong Jr.; P/SSG Gerry Maliban; P/SSG Nikko Pines Esquilon; P/CPL Edmard Jake Blanco, at Pat Benedict Mangada.—sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author