dzme1530.ph

PNP humiling ng karagdagang panahon para i-validate ang kanilang database sa NPC

Humiling ang Philippine National Police ng karagdagang panahon para i-validate kung nakompromiso ang kanilang database, ayon sa National Privacy Commission.

Sa statement, sinabi ni NPC commissioner John Henry Naga na ipinatawag nila ang mga concerned agency, gaya ng PNP, National Bureau of Investigation, Civil Service Commission, at Bureau of Internal Revenue upang matugunan ang umano’y sa personal data na kinasasangkutan ng law enforcement agencies.

Inihayag ni Naga na matapos ang mga imbestigasyon at vulnerabilty tests ng mga nabanggit na ahensya, kinumpirma ng NBI, CSC, at BIR na walang breaches na nangyari sa kanila at maglalabas sila ng kani-kanilang statements sa publiko.

Gayunman, humirit naman ang PNP ng panahon, lalo na’t ito ang na-highlight sa report ni Jeremiah Fowler ng vpnmentor.com, kung saan nakasaad na galing umano ang leak sa PNP database na kinapapalooban ng mga impormasyon ng 1.2 million records ng mga empleyado at mga aplikante.

About The Author