dzme1530.ph

PNP, hihingi ng paglilinaw sa Palasyo kaugnay ng pagbibitiw ng 18 police officials

Hindi sigurado ang PNP kung sisibakin mula sa puwesto o mula sa organisasyon ang 18 police officials na tinanggap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang resignation dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., nag-request sila ng meeting kay Executive Secretary Lucas Bersamin hinggil sa naturang usapin.

Sinabi ni Acorda na umaasa siyang maitatakda sa lalong madaling panahon ang pulong dahil nais na nilang matuldukan ang isyu.

Sa 18 police officials na tinanggap ng Pangulo ang resignation, tatlo ang Brigadier Generals habang 15 ang Colonels. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author