PNP, DFA at NBI, hinimok na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pangtotorture sa 3 Pinoy na nasagip sa scam hub sa Cambodia

dzme1530.ph

PNP, DFA at NBI, hinimok na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pangtotorture sa 3 Pinoy na nasagip sa scam hub sa Cambodia

Loading

Kinalampag ni Sen. Sherwin Win Gatchalian ang National Bureau of Investigation, ang Philippine National Police at ang Department of Foreign Affairs upang imbestigahan ang pangto-torture sa tatlong Pinoy na nasagip sa Cambodia.

Ang tatlo ay nasagip sa scam hub na inooperate ng mga Chinese sa naturang bansa.

Iginiit ni Gatchalian na dapat na alamin sa isasagawang imbestigasyon kung paano nahihikayat ang mga Pinoy na pumasok sa mga ganitong uri ng trabaho na ilegal at kung sino ang nasa likod nito sa Pilipinas.

Dapat din aniyang matukoy kung sino ang mga kasabwat nito sa gobyerno dahil malayang nakakalabas ng Pilipinas ang mga nais pumasok sa scamming hub na nagpapanggap na BPO o bilang mga call centers.

Hinikayat din ni Gatchalian ang Department of Migrant Workers na tiyakin na ang mga Filipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ay fully protected mula sa mga criminal exploitation.

Umaasa si Gatchalian na magsisilbing aral ito at babala sa ating mga kababayan upang huwag magpadalosdalos at maging maingat at mapanuri sa mga alok na trabaho sa ibayong dagat.

Dapat aniyang laging dumaan sa ligal na proseso upang hindi magaya sa sinapit ng ilan nating mga kababayan na nakaranas ng matinding pagpapahirap sa kanila na halos kanila ng ikinamatay.

About The Author