dzme1530.ph

PNP Chief, pina-iimbestigahan na ang pagpapakalat ng umano’y destabilization plot laban sa gobyerno

Pina-iimbestigahan na ng Philippine National Police ang kumakalat sa social media na umanoy destabilization plot laban sa pamahalaan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, kinumpirma ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na inatasan na ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Cybercrime Group na imbestigahan at tukuyin ang mga tao o grupong nasa likod ng pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.

Sa oras umano na matunton ang sources ay sasampahan sila ng mga kaukulang kaso.

Sa ngayon ay wala naman umanong namo-monitor ang PNP na anumang destabilization plot laban sa administrasyon, ngunit nakikipag-ugnayan pa rin ito sa kanilang counterparts partikular sa Armed Forces of the Philippines.

Kasabay nito’y pinayuhan ng PNP ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga video o post na nakikita sa online lalo na kung hindi nila kilala ang mga nagpapakalat nito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author