dzme1530.ph

PNP Chief Maj. Gen. Torre, ipatutupad ang 3 core pillars sa ilalim ng kanyang termino

Loading

Ibinida ni newly designated Philippine National Police chief Police Maj. Gen. Nicolas Torre III ang kanyang tatlong core pillars na ipatutupad bilang ika-31 pinuno ng pambansang pulisya.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Torre na tatalima ito sa direktiba at utos ng Pangulo, ikalawa, titiyakin nito na mapananatili ang pagkakaisa at mataas na moral ng bawat kawani ng PNP, at ikatlo, ay modernisasyon sa sistema at pagpapalakas sa investigative tools ng Pambansang Pulisya.

Saad pa ng PNP Chief dapat kilalanin at parangalan ang mga pulis na nagtatrabaho dahil hindi sasapat ang pogi points.

Binigyang diin din nito na sa ilalim ng kanyang pamumuno, hindi uubra ang sistema ng padrino at titiyaking maibibigay ang merito sa karapat-dapat.

Siniguro din ni Torre na ipagpapatuloy nito ang mga sinimulan na programa ng pinalitang si retired Gen. Rommel Francisco Marbil.

Nangako si Torre na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kaniyang titiyakin ang kaligtasan ng publiko at mga komunidad sa bansa.

About The Author