dzme1530.ph

PNP Chief Acorda, sinampahan ng reklamo ang dating sundalo kaugnay ng pekeng destabilisasyon

Sinampahan ng reklamo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang isang dating sundalo na gumamit ng kanyang pangalan at litrato na may pekeng impormasyon, tungkol sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, nagtungo si Acorda sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon ng tanghali, para i-reklamo si John Lacsamana Macanas Sr. dahil sa pagpapakalat ng hindi totoong impormasyon na nag-withdraw ng suporta ang Chief PNP sa pangulo at hinihikayat ang presidente na mag-resign.

Tinawag naman ni Acorda ang akusasyon na “unforgivable” makaraang gamitin ang kanyang mukha sa vlog na nag-viral at nagsasabing binabawi ng AFP at PNP ang suporta kay Pangulong Marcos.

Idinagdag ng PNP Chief na iniimbestigahan na ng mga otoridad kung sino ang nagpasimula ng naturang posts sa social media.

About The Author