dzme1530.ph

PNP, bukas sa panukalang rebyuhin ang kanilang Neuropsychiatric Exams

Bukas ang PNP sa mungkahi ni Senador Raffy Tulfo na rebyuhin ang Neuropsychiatric Exams para sa kanilang personnel.

Nilinaw naman ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na mayroong iba’t ibang sets ng Neuropsychiatric exams para sa mga papasok sa PNP bilang Patrolman at sa pamamagitan ng lateral entry, pati na sa mga estudyante sa police academy.

Sinabi ni Fajardo na iba rin ang ibinibigay na pagsusulit sa PNP personnel para sa promotion.

Idinagdag ng PNP Spokesperson na maging sa ilang training ay obligado ang mga lumalahok na personnel na sumailalim sa Neuropsychiatric Evaluation.

Ginawa ni Tulfo ang mungkahi sa Senate Hearing kaugnay ng pagpaslang ng anim na pulis sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar sa Navotas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author