dzme1530.ph

PNP, AFP magtutulungan sa paglansag ng mga private armed groups sa bansa

Makikipagtulungan na ang Philippine National Police sa Armed Forces of the Philippines para tukuyin, hanapin at buwagin ang lahat ng private armed groups na kadalasang politiko ang may hawak sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesperson, Col. Redrico Maranan na ang hakbang ng otoridad ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng mga pag-atake sa mga lokal na opisyal kabilang ang pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni Maranan na gagawa sila ng listahan ng mga political hotspot sa bansa kung saan laganap ang pag-atake sa mga lokal na opisyal.

Matatandaang, naglabas ng direktiba si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng police commanders na paigtingin ang pagsusuri sa mga kritikal na lugar sa bansa kung saan posibleng mangyari ang mga pag-atake.

About The Author