dzme1530.ph

Plebesito para sa paglikha ng 8 bagong munisipalidad sa BARMM, itinakda sa Abril

Nakatakdang bumoto ang mga taga-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa panukalang paglikha ng walong bagong Munisipalidad sa Bangsamoro Special Geographic Area (SAG).

Ayon sa Comelec, ang plebesito para sa ratipikasyon ng pagtatatag ng mga panukalang Musipalidad ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan, ay isasagawa sa April 13, 2024.

Ang sag ay binubuo ng 63 barangay sa North Cotabato na ibinoto upang maging bahagi ng BARMM noong 2019 plebiscite.

Sakaling manalo ang mayorya sa plebesito, magkakaroon na ng kani-kanilang munisipalidad ang mga naturang barangay. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author