dzme1530.ph

Planong peace talks ng pamahalaan sa rebeldeng komunista, itinuring ni VP Sara na “deal with the devil”

“Deal with the devil” o kasunduan sa demonyo ang turing ni Vice President Sara Duterte sa planong pagbabalik ng pamahalaan sa peace talks kasama ang National Democratic Front.

Sa kanyang pahayag sa ika-5 anibersaryo ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ng bise presidente na hindi makakamit ang hustisya at kapayapaan kung bibigyan ng amnestiya ang teroristang grupo.

Sa kanyang mensahe kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang diin ni VP Sara na maari namang makipag-usap para sa kapayapaan at pagkakaayos nang hindi sumusuko sa tinawag niyang kalaban.

Iginiit din ng bise presidente na napatunayan na aniya sa kasaysayan na hindi seryoso at walang sinseridad sa usapang pangkapayapaan ang mga rebeldeng komunista. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author