dzme1530.ph

Planong pag-aangkat ng 330,000 MT na bigas ng NFA, hindi na itutuloy

Kinumpirma ni Agriculture Usec. Mercedita Sombilla na hindi na mag-i-import ang National Food Authority ng bigas para sa kanilang buffer stock.

Sa halip aniya ay pinayuhan ng D.A. ang NFA na kumuha ng source mula sa mga lokal na magsasaka.

Una nang inihayag ng palasyo noong nakaraang linggo na ipinanukala ng NFA ang pag-a-angkat ng 330,000 metric tons’ ng bigas na gagamitin tuwing may kalamidad.

Gayunman, marami ang pumalag sa naturang panukala, dahil labag ito sa Rice Liberalization Law na nagsasaad na sa mga lokal na magsasaka lamang maaring bumili ng bigas ang NFA.

Tiniyak naman ni Sombilla sa mga consumer na may sapat na supply ng bigas ang bansa hanggang sa katapusan ng taon.

About The Author