dzme1530.ph

Planong importasyon ng modern jeepneys mula China, pinalagan

Pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo ang sinasabing planong pag-aangkat ng modern jeepney mula pa sa China na ipampapalit sa mga lumang pampasaherong jeep sa bansa bilang parte ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Tulfo, nangangamoy korapsyon ang proyektong ito lalo pa at kaya naman ng local manufacturing industry ang gumawa ng de kalidad na modern jeep sa mas mababang halaga.

Sa impormasyon ng senador, ang imported jeepney mula sa Tsina ay nagkakahalaga ng ₱2.6 hanggang ₱2.9 million bawat unit.

Higit na mas mahal ito sa isang brand new unit na kaya namang gawin ng local company gaya ng Sarao at Francisco Motors sa halagang ₱900,000 hanggang ₱985,000 lamang bawat isa.

Sinabi ni Tulfo na aabot sa tinatayang ₱1.7 million ang matitipid kada unit kung pipiliin ang local manufacturer kaysa sa isang Chinese company. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author