dzme1530.ph

Plano ng Abu Sayaff Group na maghasik ng lagim sa Zamboanga City napigilan —BuCor

Ginawaran ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng certificate of commendations ang 18 tauhan ng BuCor kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sinabi ni Catapang na naging instrumento ang mga tauhan ng BuCor sa pagpigil sa pagtatangka ng Abu Sayaff Group na maghasik ng lagim sa Zamboanga City noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Nakatanggap umano ang kanilang mga tauhan ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang source na maraming Muslim PDL ang nagbabalak para sa mass escape sa tulong ng Abu Sayyaf Group.

Ayon Kay Catapang ang plano ay nabuo noong Nob. 2022 sa pamamagitan ng messenger account na pag-aari ni PDL Sahid Alip at nag-recruit siya ng ibang PDL para sumali sa plano.

Ibinunyag pa ng impormante na isang diversionary tactics ng pambobomba ang isasagawa sa Zamboanga City kasabay ng rescue operation sa San Ramon Prison and d Penal Farm (SRPPF) gamit ang dalawang motorized bangka na nag-udyok sa mga opisyal na ilagay ito sa red alert status.

Sa pamamagitan ng impormasyon mula sa PNP Region 9 at local government unit dinagdagan ang Security sa San Ramon prison and penal farm dahilan upang napigilan ang pinaplano ng mga Abu Sayyaf. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author