dzme1530.ph

Pisong dagdag-pasahe sa jeepney, umarangkada na!

Nagsimula nang maningil ng pisong dagdag-pasahe ang ilang tsuper ng jeep, subalit mayroong iba na P12 pa rin ang kanilang sinisingil na pasahe.

Katwiran ng ibang jeepney drivers, hindi pa sila nakakakuha ng tarima sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang iwas-reklamo mula sa mga pasahero.

Ipinaliwanag naman ng LTFRB na dahil provisional ang fare increase, maari nang mangingil ng P13 na minimum na pasahe ang mga tsuper ng traditional jeeps habang P15 naman sa modern jeeps, kahit walang fare matrix.

Samantala, magsasagawa ng hearing ang LTFRB hinggil sa pangunahing petisyon ng transport groups na P5 dagdag-pasahe sa Nobyembre 24. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author