dzme1530.ph

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, nanalo ng bronze sa Czech Republic bago sumabak sa Olympic qualifiers

Pataas nang pataas ang momentum ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena para sa Olympic qualifiers makaraang manalo ng bronze sa kompetisyon sa Czech Republic.

Nakapagtala ang Olympian ng 5.90-meter jump sa Ostrava Golden Spike, kasunod nina Armand Duplantis at Kurtis Marschall sa kanyang huling tournament, bago ang Bauhaus-Galan meet ng Diamond League na isang Olympic qualifier.

Sa Diamond League, kailangan ni Obiena na ma-clear ang 5.82m para mag-qualify sa 2024 Paris Games.

Kung papalarin ay si Obiena ang kauna-unahang Pinoy na mapapabilang sa Olympics sa susunod na taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author