dzme1530.ph

Pinoy boxer Kenneth Egano, pumananaw na sa edad 22

Pumanaw na ang 22-anyos na boksingerong si Keneth Egano, ilang araw matapos itong isugod sa hospital.

Mayo 6 nang itinakbo sa Imus Doctors hospital si Egano dahil sa tinamo nitong head injury sa laban nito kay Jason Fucalarin, sa Imus Cavite.

Dahil sa matitinding tama sa mukha at ulo, nawalan ito ng malay matapos ang eight rounds ng laban, kaya agad itong isinugod sa pagamutan kung saan na-comatose ito na siyang dahilan ng maagang pagpanaw.

Ikinalungkot naman ni Former Senator Manny Pacquiao ang nangyari kay Egano, lalo pa at ito ay nangyari sa pinu-produce nitong boxing event na blow-by-blow.

Una rito inako ng former 8-division champion na si Pacquiao na ang hospitalization bills ni Egano na tubo ring General Santos City.

About The Author