dzme1530.ph

Pinay weightlifter Vanessa Sarno, nakasungkit ng 3 gintong medalya sa Asian Youth and Junior Championship sa India

Namayagpag ang Pinay Wieightlifter na si Vanessa Sarno sa 71-kilogram women’s category ng 2023 Asian Youth and junior championships sa New Delhi, sa India.

Ang 19-anyos na si Sarno, na nanguna rin sa Southeast Asian Games noong Mayo sa kanyang record-breaking performance, ay nakasungkit ng tatlong gold medals sa snatch, clean and jerk, at overall lift.

Matagumpay na nabuhat ng pinay weightlifter ang 95 kilograms sa kanyang first snatch attempt, subalit nabigo sa 97 kilograms sa kanyang ikalawa at ikatlong pagtatangka.

Gayunman, sapat na ito para maiuwi ni Sarno ang gintong medalya habang nakuha naman ng pambato ng Thailand ang silver medal para sa nabuhat nitong 92 kilograms.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author