Kinapos ang Filipino Tennis ace na si Alex Eala sa kalabang Pranses na si Jessika Ponchet, sa score na 2-6, 6-4, 6-2, sa semifinal round ng ITF W100 Tournament sa Vitoria-Gasteiz, Spain.
Bago ang pagkabigo sa Semis ay pinadapa ni Eala ang Spanish na si Lucia Cortez Llorca sa Quarter Finals, gayundin sina Tianmi Mi ng China at Jaqueline Cristian ng Romania sa mga unang rounds ng tournament.
Makakaharap naman ni Ponchet ang pambato ng Ukraine na si Daria Snigur sa Finals. —sa panulat ni Lea Soriano