dzme1530.ph

Pinay Tennis Ace Alex Eala, nalaglag sa singles competition ng W100 Tokyo

Nalaglag ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala sa singles competition ng W100 Tokyo sa Japan, subalit nananatiling kasali sa doubles draw kung saan nakapasok siya sa Quarterfinals.

Bigo ang 18-anyos na pinay sa second round laban sa Australian no. 5 seed na si kimberly Birrell, sa score na 6-4, 6-7(5), 2-6.

Sinimulan ni Eala ang kanyang W100 Tokyo debut bilang no. 1 seed sa qualifying, kung saan tinalo niya sina Kanako Morisako ng Japan at ninth-seeded Anastasia Kulikova ng Finland. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author