dzme1530.ph

Pinatay na mamamahayag, ‘di nakatanggap ng death threats —P/Col. Delorino

Walang natanggap na anumang banta sa buhay ang pinaslang na radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag ni Oriental Mindoro Police Provincial Director P/Col. Samuel Delorino matapos makausap ang pamilya ni Bunduquin na hindi nakatanggap ng anumang death threats ang mamamahayag.

Nabatid na umapela ang pamilya ng biktima sa pamilya ng gunman na sumuko ito.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang hindi pinangalanang suspek sa pagpaslang sa broadcaster. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author