dzme1530.ph

Pinakamataas na heat index sa Cagayan, Pangasinan, naitala

Dalawang lugar sa hilagang Luzon ang nakaranas ng heat index na 46°C kahapon.

Ayon sa PAGASA, pinakamataas na heat index ang naitala sa Aparri, Cagayan at sa Dagupan, Pangasinan.

Samantala, nakaranas naman ng 45°C heat index ang Casiguran, Aurora; 43°C sa Catarman, Northern Samar; at 42°C sa Sangley point sa Cavite, Davao City, at Dipolog sa Zamboanga del Norte.

Nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang pag-iral ng mainit na panahon sa bansa bunsod ng easterlies o maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.

About The Author