dzme1530.ph

Pinakamainit na temperatura sa China, pumalo sa 52.2°C noong weekend

Pumalo sa 52.2°C o 126°F ang temperatura sa hilagang kanlarugan na bahagi ng bansang China noong nakaraang weekend.

Ito na ang pinakamainit na temperaturang naitala sa bansa para ngayong mid-July.

Ayon sa China Meteorological Administration (CMA), umabot rin sa temperateure peak na 52.2°C ang kanilang na-record sa Sanbao Village sa Xinjiang Region noong July 16.

Dahil dito, pinayuhan na ang mga residente na manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan at kung hindi naman maiwasang bumiyahe o lumabas ay mag-spray na lamang ng tubig sa major thoroughfares ng sasakyan.

Nabatid na unang nakapagtala ng kaparehong temperatura ang China noong July 2017 kung saan umabot sa 50.6°C ang heat index. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author