Kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na tagumpay ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, sa West Philippine Sea.
Ito ang ikatlong misyon kasunod ng insidente noong Aug. 5 kung saan binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine vessels na nasa resupply mission.
Ang sumunod naman na misyon patungong BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal ay isinagawa at nakumpleto noong Aug. 22. —sa panulat ni Lea Soriano