dzme1530.ph

Online procurements ng gobyerno, pinahihigpitan ng Pangulo

Pinahihigpitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang online procurements ng pamahalaan.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na dapat tiyakin pa rin na may accreditation ang mga ka-transaksyon ng gobyerno sa online.

Iginiit ni Marcos na dapat magkaroon ng safeguards sa online procurements, at hindi maaaring buksan na lamang ang online market para sa lahat.

Bukod dito, ibinabala rin ng Pangulo ang overpricing na maaaring maka-agrabyado sa mga bumibili ng produkto at kagamitan sa digital platforms.

Matatandaang sa presentasyon ng proposed amendments sa Gov’t Procurement Reform Act, inilatag din ng Dep’t of Budget and Management ang planong paglulunsad ng E-Marketplace sa ilalim ng Philippine Gov’t Electronic Procurement System. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author