dzme1530.ph

Pilipinong pari, pinatawan ng expulsion ni Pope Francis

Pinatalsik ni Pope Francis ang isang Pilipinong pari na inakusahan ng sexual abuse na kinasangkutan ng mga menor de edad.

Ang desisyon ng Santo Papa na idismiss si Pio Aclon mula sa pagka-pari ay inanunsyo ng Diocese of Borongan sa Eastern Samar.

Ang advisory ay binasa sa lahat ng parish churches, chapels at chaplaincies ng diocese.

Si Aclon ay nagsilbi sa isang minor seminary sa Borongan bago ito nasuspinde mula sa kanyang clerical duties.

About The Author