Desidido ang Pilipinas na palawakin ang economic cooperation sa Amerika, partikular sa critical minerals at sa production ng battery components.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, mas nais ng Pilipinas na dagdagan ang presensya ng mining companies, kaysa mag-export ng minerals sa ibang mga bansa.
Sinabi ni Manalo na inaabangan na ng Pilipinas ang pagbisita sa kauna-unahang US Presidential Trade and Investment Mission sa susunod na taon, na kasabay ng hosting sa Indo-Pacific Business Forum. —sa panulat ni Lea Soriano