Inanunsyo ng Department of Transportation na nag-commit ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng 300million yen para sa paglikha ng 30-year railway masterplan ng Pilipinas.
Sinabi ng DOTr na ang ipinangakong halaga ng JICA na katumbas ng P125.68-M ay para sa pagbuo ng 30-year plan sa loob ng tatlong taon o hanggang sa ika-apat na quarter ng 2026.
Inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista na ang plano na bubuuin ng Philippine Government at may technical cooperation mula sa JICA ay tiyak na makapagtatayo ng mahigit 1,000 kilometrong railways. —sa panulat ni Lea Soriano