dzme1530.ph

Pilipinas, posibleng magkaroon ng shortage sa gulay

Posibleng magkaroon ng shortage o kakulangan ng gulay sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Department of Agriculture spokesperson Kristine Evangelista, ito’y dahil mas malaki ang demand sa gulay-tagalog gaya ng ampalaya, sitaw, kalabasa, at talong kumpara sa suplay nito.

May mga magsasaka rin aniyang tumigil sa pagtatanim dahil nakahanap ng mas magandang oportunidad o ibang pagkakakitaan.

Sinabi rin ng D.A spokes, na nakapagtala rin ng pagtaaas ng presyo ng ilang gulay dahil sa kakaunting bilang ng naibiyaheng gulay nitong Semana Santa.

Dagdag pa ni Evangelista, nakahanda na ang Department of Agriculture sa posibleng epekto sa pananim na gulay ng Bagyong Amang.

About The Author