dzme1530.ph

Pilipinas, posibleng mag-angkat ng bigas mula sa Argentina

Pinag-aaralan ng pamahalaan na mag-import ng bigas mula sa South America, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng naturang produkto.

Ikinunsidera nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Santiago Andres Cafiero, Minister for Foreign Affairs, International Trade and Worship, ang posibilidad ng importasyon sa bigas, sa kanilang pulong sa Palacio San Martin sa Buenos Aires.

Si Manalo ay nasa makasaysayang pagbisita sa Buenos Aires, kasunod ng imbitasyon ng ministro nito para sa pagdiriwang ng 75th Anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Argentina. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author