Posibleng kasuhan ng Pilipinas ang China at Vietnam sa gitna ng mga alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc, ayon kay National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya.
Sinabi ni Malaya na iimbestigahan ng pamahalaan ang reports kaugnay ng paggamit ng cyanide sa pangingisda sa Bajo de Masinloc na kilala rin sa tawag na Scarborough Shoal.
Aniya, ipo-forward nila ang findings sa Department of Justice at sa Office of the Solicitor General para sa posibleng paghahain ng kaso sa Tribunal.
Nitong nakaraang weekend, inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na natagpuan nila ang lagoon na matindi ang pinsala, na maaring dulot ng cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese.