dzme1530.ph

Pilipinas, panahon na para pumalag kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal, ayon kay Amb. Romualdez

Naniniwala si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na panahon na para pumalag ang Pilipinas kasunod ng water cannon incident noong Aug. 5 sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Romualdez na nagpahayag na ng pagkabahala ang White House hinggil sa insidente na kinasangkutan ng Philippine vessels na nasa resupply mission at Chinese Coast Guard.

Nagbabala rin si Romualdez na masyado nang seryoso ang mga nangyayari at kailangan natin itong bantayan dahil kung hindi ay magugulat na lang tayo na wala na pala tayong bansa.

Nagpadala na ang Pilipinas ng Note Verbale sa China hinggil sa naturang insidente, subalit nanindigan ang Beijing na lehitimo ang kanilang naging hakbang laban sa Philippine vessels. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author