dzme1530.ph

Pilipinas, kabilang sa mga bansang may “most powerful” passport

Nasungkit ng Pilipinas ang ika-73 pwesto bilang mga bansang may “most powerful” passport batay sa Henly Global Passport Index.

Nabatid na nasa ika-78 spot lamang ang Pilipinas noong nakaraang taon; 80th noong 2022; 77 noong 2021; at 74 noong 2020

Ang ranking ay base sa kabuuang bilang ng VISA-free destinations na maaaring bisitahin ng isang passport holder, pati na rin ang kanilang Henly Passport Power.

Nangunguna naman ang Japan na mayroong VISA-free score na 194; South Korea na may 193; at ang Austria, Denmark, Ireland, at The Netherlands na may 191. DZME News

About The Author