Nanunumbalik na ang popularity ng Pilipinas bilang pangunahing foreign tourists destination tuwing holiday season.
Ito ang ibinida ni Immigration Commissioner Norman Tansingco kasunod nang pagkakatala ng halos 50,000 turista nitong nagdaang yuletide season.
Sa record ng BI, may 49,892 na traveler ang dumating sa Pilipinas noong December 31, at sa bilang na ito ay 34% ay mga dayuhan.
Ayon sa BI, umaabot sa 1.6 million na arriving passengers noong buwan ng December, higit sa inisyal na target na 1.5 million.
Ayon pa kay Tansingco wala rin naging malaking problema o issue sa operasyon ng BI noong holiday season.
Ipinagmalaki rin ni Tansingco na ang mas pinahusay na public service ang handog ng kawanihan ngayong holiday.
Natutuwa aniya sila na mabisa ang mga panuntunan na ipinatutupad ng ahensiya at tinitiyak na ipagpapatuloy ang improvement ng sistema ngayong 2024. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News