dzme1530.ph

Pilipinas, nakikipag-ugnayan na sa China hinggil sa maritime incident sa Occidental Mindoro

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard sa China makaraang mabangga ng Chinese-flagged vessel ang fishing boat ng Pilipinas sa karagatang sakop ng Paluan, Occidental Mindoro.

Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na nagsulat na ng liham ang kanilang maritime safety officer sa China dahil obligasyon nito na tingnan ang insidente.

Sakali aniyang may sapat na ebidensya ay nararapat lamang na panagutin ang mga tauhan ng China.

Nabatid na nangyari ang umano’y allision sa pagitan ng FBCA Ruel J at MV Thai Hang 8, alas-4 ng hapon nitong Martes, kung saan nasagip ang limang Pilipinong mangingisda. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author