Tinapos ng Pilipinas ang kampanya sa 19th Asian Games, katulad ng gold medal haul noong 2018 edition ng naturang palaro.
Nanalo ang bansa ng 4 na gold, 2 silver, at 12 bronze medals na naglagay sa Pilipinas sa 17 puwesto sa medal tally, sa katatapos lamang na ASIAD na ginanap sa Hangzhou, China.
Kabilang sa mga nagbigay ng gintong medalya ay ang pole vaulter na si EJ Obiena, Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa Jiu-jitsu, at Men’s National Basketball team na Gilas Pilipinas.
Ang boksingero naman na si Eumir Marcial at Wushu figther na si Arnel Mandal ay nag-ambag ng silver medals.
Gaya ng inaasahan, ang China ang nanguna sa overall standing na may 201 gold, 111 silver at 71 bronze medals. —sa panulat ni Lea Soriano