Kinalma ng Department of Agriculture (D.A) ang publiko kasunod ng hindi pag-aangkat ng 300,000 metric tons na bigas ng kagawaran at NFA.
Pagtitiyak ng D.A. sapat ang suplay, kahit hindi mag-import at magkaroon ng posibleng shortage ng bigas dulot ng inaasahang El Niño phenomenon sa Hunyo hanggang Agosto.
Ayon kay D.A. Asec. Rex Estoperez, makatutulong ang na-aning palay ng mga magsasaka mula Marso hanggang Abril na maaaring magamit sa panahon na magsimula ang El Niño.
Batay sa datos ng D.A., nasa 5.66 million metric tons ang ending stock ng palay sa unang quarter ng taong 2023 na aabot anila ng 51 araw, 3.12 million metric tons dito ay locally produced rice, 1.77 metric tons ang bagong stock at 774,050.44 metric tons ang imported na bigas.