dzme1530.ph

Pilipinas, may matibay na kaso laban sa China kaugnay sa pagkuha ng mga bahura sa WPS —eksperto

May matibay na kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa pagkuha nito ng mga coral o bahura sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang binigyang-diin ni Maritime Expert Jay Batongbacal na may ebidensya ang bansa na susuporta sa claim nito, tulad aniya ng mga report ng mga lokal na mangingisda malapit sa WPS ukol sa coral harvesting ng mga Chinese simula pa noong 2015.

Binalaan at pinayuhan naman ni Batongbacal ang Pilipinas na maghanda at mag-strategize ng legal case, dahil asahan aniya na muling manlalaban ang China hinggil dito.

Sinabi pa ng eksperto na hindi madali ang magsampa at mangalap ng ebidensya para sa isang kaso, kaya kailangan ng Pilipinas na maging maingat at pag-aralan ang bawat hakbang nito.

Samantala, sinabi ni Batongbacal na bumuo ang University of the Philippines’ Marine Science Institute ng 11 estratehiya laban sa China hinggil sa mga aktibidad sa nasabing karagatan, mula sa investigatory procedures hanggang sa litigations. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author