Tiwala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mas handa na ngayon ang Pilipinas sakaling tumama ang malakas na lindol, gaya ng sa Morocco, kung saan nasa mahigit 2,000 na ang nasawi.
Sa public briefing, sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na mas handa na ngayon ang bansa kumpara noong 20 o 30 taon na ang nakalilipas.
Ito, aniya, ay dahil sa mga hakbang, gaya ng nationwide earthquake drill na isinasagawa kada quarter, sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa tala, hindi bababa sa 2,100 ang namatay sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Morocco noong Biyernes ng gabi. —sa panulat ni Lea Soriano