Malamig ang Pilipinas sa joint exercises kasama ang China, matapos bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine Resupply Mission na patungong Ayungin Shoal.
Pahayag ito ni National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) Spokesman Jonathan Malaya, kasabay ng paliwanag na wala namang Visiting Forces Agreement ang Pilipinas at China para sa joint military drills sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Malaya na kailangan munang magkaroon ng legal na basehan o kasunduan bago pag-usapan ang Joint Maritime Exercises.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na nag-alok ang China na magkaroon ng Joint Military Exercises kasama ang Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano