dzme1530.ph

Pilipinas, mag-iimport ng karagdagang karneng baboy para matugunan ang kakapusan sa supply

Kailangang mag-angkat ang Pilipinas ng karagdagang karneng baboy upang matugunan ang shortage sa supply, sa gitna ng outbreak ng African Swine Fever sa maraming bahagi ng bansa, partikular sa Visayas.

Tiniyak naman ni Agriculture Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa sa publiko na nakikipag-coordinate ang ahensya sa pribadong sektor para matukoy ang dami ng pork products na a-angkatin sa ibang mga bansa.

Sinabi ni De Mesa na dahil sa asf ay kailangan ng Pilipinas na mag-import ng pork products hanggang sa katapusan ng 2023.

Sa datos mula sa Bureau of Animal Industry, umabot na sa 229,201 kilos ang total pork importation simula Enero hanggang Mayo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author