Magbibigay ang Pilipinas ng $3 million o P171 million sa Asian Development Bank (ADB) fund para tulungan ang mahihirap at vulnerable economies sa Asia-Pacific.
Ayon kay ADB President Masatsugu Asakawa, nagkasundo ang bangko at iba’t ibang donor countries na i-replenish o palitan ang $5 billion para sa ADB’s Development Fund (ADF).
Sa ikalawang pagkakataon ay magdo-donate ang Pilipinas ng $3 million sa ADF, na pinapalitan tuwing ika-apat na taon.
Kasama ng Pilipinas bilang ADF donors ngayong taon ang Canada, Georgia, Germany, Hong Kong, China, Indonesia, Italy, Malaysia, New Zealand, South Korea, at United Kingdom.